"MAHAL KO EH."
Yan ang parating excuse/dahilan ng mga taong nagpapakatanga sa so called ‘love’ na yan. Lahat nga naman kasi tayo, nagpapakatanga. Pero yung iba lang kasi sumusobra na, yung tipong kailangan nang iumpog sa pader para matauhan na.
Halimbawa na mga tanong na yan ang parating sagot:
“Niloko ka na pala eh bat mo pa binalikan?” = “Mahal ko eh.”
“Kung nasasakal ka na pala eh bat mo hinahayaan?” = “Mahal ko eh.”
“Eh bakit mo kasi pinamihasa na ganyan ang turing sayo?” = “Mahal ko eh.”
“Bat mo pa binigyan ng chance kung alam mong uulitin din?” = “Mahal ko eh.”
“Mukha ka nang tanga, mahal mo pa rin?” = “EH SA MAHAL KO EH, NANGENGELAM KA!” yan na ang sagot kapag nasusot na sa mga tanong.
Oo, mahal mo nga siya, pero nakalimutan mo na din ba ang sarili mo? Alam mo na kasing may mali, sige pa din. Oh sino ngayon ang nasasaktan? Tapos ganyan pa ang mga dahilan. Hindi kasi lagi yan valid na reason.
MAHAL KO EH NG MAHAL KO EH KA JAN, oh sige nganga ka ngayon. Minsan kailangan mo din magising sa katotohanan na kahit mahal mo siya eh, hindi na tama.
Tuesday, August 28, 2012
notes 51
Posted by redpuzo at 4:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment